Friday 30 March 2012

Germark... :'(

ang pinaka mamimiss ko. salamat sa lahat. salamat sa pasensya mo sakin. sobrang bobo ko lang talaga kaya ganito ako. napagalitan ka pa ng dahil sakin. hehe. pasensya talaga. salamat sa pagpaparamdam mo sakin na hindi ako "FOREVER ALONE". salamat sa pagpapatatag sakin. dahil sayo andami kong natutunan. na sa labas ng Grand Chase ko e may mga taong mas mahalaga pa. salamat kase narealize ko na kaya kong gumawa ng higit pa sa inaasahan ko. yung magintay ng tatlong oras sa mcdo, pero pag alam mong dadating yung iniintay mo kahit maka limang oras e ayos lang e. pero yung limang minuto pero wala namang dadating? Yung pagipunin ako ng para sa retreat! first time ko gawin yun! pero hindi lang ako ang nandun eh. siguro alam mong kasama dun si baldo, si chin, si renz, tska si.... jhen. :) secret kung tigmamagkano ang ambagan. basta wala sakin ang pinakamalaki. salamat din nung new year. unforgettable ko e. sobrang saya ko nun. hehe. kelan kaya mauulit yung celebration sa inyo? salamat sa memories! salamat sa pagtupad sa requests ko. kahit minsan e hindi natutuloy. salamat sa pagsama niyo sakin ni jhen. salamat sa mga libre mo sakin pero... hindi ko naman hinihiling na bumawi ka sakin. kase ako ang nabawi sayo. sa oras na binibigay mo sakin. ngayon lang ako nakakita ng tao na kayang makipagtxt sakin ng halos isang buong araw. gusto ko maulit yun kaso parang malabo na e... pero umaasa syempre. wala naman masama diba? salamat sa pictures! nung retreat talaga. haha may topak ka ba nun? sipag mo pumicture ah. buti alam mong kelangan din ng photographer mapicturan paminsan minsan! pinadevelop ko yun e. haha. nasa wallet ko. alam ko sawa ka na sa drama ko kaya puputulin ko na to. salamat bhest/bff/mark/nones... congrats. gagraduate ka na. sana maging masaya ka sa pipiliin mong career. god bless. andito lang ako pag may kelangan ka. okay? kaya wag kang mahihiya sakin kase pag nakarinig ako niyan galing sayo babatukan kita sa muka. pramis! :) anyways... kung sa manila ka man o cct o kung san man. good luck! wag moko kakalimutan ha! sobrang friendly ka pa naman baka makakita ka ng ibang bhest jan. though hindi naman masama yun...


makulit. makulit. makulit. sobrang makulit. maligalig pa. kahit na ganun e may natatagong side din naman pala to. mabait, mabait, mabait. sobrang bait. sa sobrang bait e hindi  na halata. maintindihin, pasensyoso. mabilis nga lang magalit. mapride minsan pero nagulat ako nung nagalit siya sakin e siya pa ang nagsorry. paiba iba nga ng personality. ito lang ang taong bespren ko na e hindi ko pa kabisado ang ugali. parang climate change lang e. minsan mainit. minsan malamig.

Baldo!

isa sa pinakamamimiss ko. pampawala ng lahat. antok boredom. asar. laptrip talaga! kahit ang corny na joke e nakakatawa. sobrang mamimiss ko mga joke mo. hehehe. pati na rin yung IKAW mismo. syempre. hahanap hanapin ko yan sa college...

Geerick at Giovannie

gagraduate na hindi ko pa din alam kung sino sa dalwa to. anyways para sa inyo na to. salamat sa oras na nakasama namin kayo. kahit isang year nakasama namin kayo. salamat sa pagiging parte niyo sa IV-Wisdom. kakagulat na last year na e naglilipat pa ng estudyante. buti naka adapt kayo sa environment namin. hehehe. conrats gagraduate na kayo! yahoy! Good Luck sa pipiliin niyong career. wag puro laro ha. osige na. wala nako maisip. bakit wala kayong picture galing facebook? O_o

Si lat!

Dear mr president? wahohoho! waaa! ang suplado naming president. mamimiss ko yung pagiging busy mo. walang katapusang errands at reklamo pero tuloy tuloy pa din ang trabaho. pili ka naman sa pagiging reklamador at pagiging masipag oh. hehehe. anyways, congrats po. o pahinga ka na. balik ka na sa pagiging normal na estudyante sa college. TY sa pagiging parte ng HS life ko. hehe. Good Luck and God Bless.

well... mabait siya kahit ano pang sabihin ko. I simply can't deny that. masipag pa. hahaha

Kenneth

O pano ba yan. maghihiwalay hiwalay na tayo. salamat sa pagsama sakin minsan. ang kulet mo din e. hehehe.
mamimiss kita! congrats! sana maging successful ka sa pipiliin mong career. sana maging ayus lang ang makakausap mo sa interview kase mejo malabo ka kausap e. hahaha. oh well. good luck! 


BENLIRO!!

Si ben yan yung madalas kong kakulitan way back elem days. mejo naadik sa tetris at lagi na sila magkasama ni roga kaya hindi ko na siya masyado nakakakulitan. mamimiss ko yung pagiging tahimik ni ben pero pag tumawa e bungisngis e. grabe. hahahaha. wala ako pics ni ben e. sowree. naalala ko yung mga sulat mo kay roga. andame dame mong sinasabi noon pero hanggang graduation e kayo pa din. Bespren talaga e. hahahaha

Jett John!!!

Anu ba yan... nakakamiss naman yung mga libre mo. sayang ndi mo ako nailibre nun. bakit kase nawawala ako e!! anyways salamat sa mga times na nakasama kita. yung libre kita sa jolibee bago umuwi. haay sayang after new year minsan na lang kita nakasama. kelan kaya yung next time? sana makagala tayo ulit ng sama sama sa college. kakamiss noh. Anyways salamat sa pagkakaibigan sa loob ng 3 taon... sorry sa mga katanghan ko. grabe! hehehe. nakapambulabog pa nga sa buhay mo. bulahaw ba ako? hahaha. salamat sa kulitan moments. Conrats and sana maging successful ka sa pipiliin mong career. wish you all the best. sana alam mo yung kwento ko. kaso masyado nang luma para pakinggan mo e. oh well...
Si jett... makulet pero tahimik. magulo pero pormal. basta magulo ugali niyan. Siya yung wala sa muka ang pagiging kung ano siya. pag nakilala na siya, the best. :)