Friday 30 March 2012

Si Kim!!

3 years na pala ano... salamat sa pagiging parte ng High School life ko. kahit parang naging close lang tayo nung sumama ako sa inyo nina mecor. salamat kase sinama mo ako. kahit hindi ko maibalik yun ng ayos. utang na loob ko sayo kung bakit hindi ako naboring. salamat sa kulitan moments. salamat sa barkadahan. pakiramdam ko nagkaroon ako ng mga kapatid (kahit meron naman talaga). hehehe. salamat sa simbang gabi, sa pagkaawas, sa pagpapatambay sa inyo kahit hindi ko kayo mapatambay sa amin kase alam mo na yun, hehehe. kakahiya na nga sa mga kasama mo jan. Magpapakita ka sa Simbang gabi a! pag nagkatrabaho ako dadalaw ka dun! babatukan talaga kita pag hindi ka nagpakita! :D sana makagala tayo ulit sa bakasyon. MAMIMISS KITA! SORA!


Si kim ang isa sa dahilan kung bakit nangugulo ako sa third year. si kim din ang dahilan kung bakit umuwi ako samin ng gabing gabi na. kaya nasesermonan. pero worth it naman. sobrang saya lalo na pag kumpleto kaming anim. ASTIG! hahaha...

No comments:

Post a Comment